"L-Luis... tama na..." garalgal na ani Ruby at sinusubukang itaas ang kanyang mga kamay para kunwari ay inaabot niya si Luis upang pigilan ito. "Yuki..." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang mawalan na naman ito ng malay. Kung kanina ay kinatatakutan ng kanyang mga kaibigan na mabalot siya ng pula na kasing kulay ng apoy, mas nabahala naman sila ngayon— itim na ang tumatakip sa balat ni Ruby na tila ba'y sa isang maling pagkakagalaw ay matutuklap ng tuluyan ang kanyang balat hanggang sa laman nito. "Hindi mo ba pwedeng pasukin ang isipan ng mga Mirage, Li?" tanong ni Rian sa kanyang kambal, hindi niya alam kung dapat pa ba niyang hawakan si Ruby sa ganoong kalagayan. "Baka may mabasa ka na gusto niyang gawin natin o makita mo yung solusyon sa nangyayari sa kanya! Ayaw naman tayon

