Chapter 15

1124 Words

Ang hangin na normal lang ang daloy kanina ay biglang bumigat at lumakas ang ihip nito. Pumapalibot ito sa iisang Mirage na siyang nagmamay-ari nito– si Yuki. Noong ginawa niya ito dati ay hindi niya magawang itama ang direksyon kung saan lang ito dapat umikot, pero dahil sa sunod-sunod na pagsasanay niya ay nagawa na niya ito ng mahusay, kaunti na lamang ang kinakailangan niya upang maging perpekto na ito. "Yuki... Ikaw ba si Yuki?" mahinang tanong ni Jane dahil hindi pa rin ito makapaniwalang iba na ang pakikitungo sa kanya ngayon ng babae. Mas lalo pang binigatan ni Yuki ang atmospera at halos lahat ng kasamahan niya ay mapapaluhod na lang, sa kadahilanang nadarama rin nila ito sa kanilang mga balikat at likod. Hindi lang basta pananakot ang nakapaloob doon, seryoso ang ekspresyon ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD