Isang napakalakas muli na pwersa ng hangin ang nakapagpalipad kay Ruby dahil sa ginawang pagbagsak ng magkabilang kamay ni Sammuel sa lupa na kung saan ay nasaktuhan niya ang napakabilis na pagtakbo ni Rian. Mahigpit na hinawakan ng higanteng nilalang na iyon si Rian sa kanyang mga kamay tsaka niya ito nilapit sa kanyang mukha. Hindi maiwasan ni Rian na ipakita sa kanyang mukha kung gaano siya nandidiri sa pagmumukha ni Sammuel at idagdag pa roon ang napakabahong hininga nito na may kasama pang makapal at malapot na kulay berdeng laway, na pinaniniwalaan nilang isang lason. "Ngayon, babae... Ano ang magagawa mo laban sa akin?" nakalolokong tinawanan siya ni Sammuel at tsaka niya inalog-alog si Rian paitaas at paibaba. Katulad ng kahit na sino pang Mirage ay nahilo si Rian sa ginawang liter

