Nilibot nila Pearl at Jane ang buong pasilidad pagkatapos nilang kumain sa dining hall. Kasalukuyan silang naglalakbay naman patungo sa lugar kung saan karaniwang nagsasanay ang bawat isa sa kanilang taglay na kapangyarihan.
"Nabuksan mo na ba ang inventory mo girl?" tanong ni Jane.
Kita sa ekspresyon ng mukha ni Pearl na hindi nito alam ang itinanong sa kanya. "Inventory? Saan? Sa bahay ba? Hindi ko alam paano umuwi sa amin eh." Walang ka-ide-ideyang tugon niya.
"Oo nga pala, baguhan ka." Huminga si Jane nang malalim at huminto saglit. "Anaese," aniya.
"Woah..." manghang-mangha si Pearl sa kaniyang nakikita ngayon.
Pagkasabi ni Jane ng salitang iyon ay biglang sumulpot sa harapan niya ang isang katamtaman ang laki na kwadradong icon habang lumulutang ito; marami itong laman dahil matagal na si Jane namumuhay sa Muujan. Mga kagamitang may pakinabang sa pakikipaglaban at magsisilbi bilang kaniyang pang depensa ang karamihan sa mga iyon.
Napaisip si Pearl sa nilalaman ng inventory ni Jane dahil kapangyarihan ang namumuno sa lugar na iyon, pero ang sa kaniya ay purong pang laban. "Speaking of which, I still haven't asked what's your ability?" usisa niya para malinawan ang kaniyang isipan.
"Ordinaryong tao lamang ako. Hindi ako nabiyayaan ng kapangyarihan katulad mo at ng iba pang naparito. Kaya, minabuti kong makipagkaibigan agad sa 'yo para, kung sakali ay may tagapagtanggol akong mas may kakayahan kaysa sa akin," paliwanag ni Jane na siyang nagtanggal sa magulong utak ni Pearl. "Kaya 'eto ako, nagfi-feeling close agad sa 'yo," pagbibiro niya, tinuro turo niya ang kaniyang mga armas sa inventory. "Itong mga ito ay nagagamit ko lang tuwing may hindi inaasahang laban. Wala man akong lakas, pero sa tulong ng mga ito ay kaya kong depensahan ang sarili ko, basta hindi gaano kalaki o kahirap ang katunggali," dugtong pa niya bago muling sinabi ang kanina niyang binanggit para mapalabas ang inventory sa harapan niya, subalit sa pagkakataon namang ito ay nawala na ang lumulutang na inventory.
Tumango tango si Pearl sa lahat ng kaniyang natuklasan at naramdaman niyang lumapit ang loob niya kay Jane. "Let's be friends," sabi niya bago ilahad ang kanang kamay sa harapan.
"G!" Nakipagkamay si Jane bilang pagpapakita na pumapayag siyang makipagkaibigan kay Pearl.
Dumiretso na sila sa lugar ng kanilang pagsasanayan at napatigil sa harapan ng isang magarbong pinto na nakakonekta sa matataas na pader, parehas ito ng kulay na magkahalong pula at itim. Mayroon itong mga patalim sa tuktok upang makasigurong walang basta basta o kung sino sinong makakaraan dito.
Lumitaw sa gitna ng pintuan ang isang 6-digit combination lock. Tinitigan ito ng mga babae nang matagal dahil hindi nila alam kung bakit gano'n ang lumabas, lalo na si Pearl na wala namang kamalay malay sa lugar na iyon.
"Bakit may padlock? Wala namang ganyan nung mga nakaraang araw," nalilitong sabi ni Jane na nagpakunot sa kaniyang noo.
"Digit combination lock?" Bulong ni Pearl sa sarili nang maisip niyang familiar ito sa kaniya. "Ilang numero uli ang hinihingi?" Lumingon siya sa gawi ni Jane.
"Anim daw girl, bakit? Alam mo 'yan?"
"Hindi ako sigurado, but we will reach nowhere kung tutunganga lang tayo rito at hindi gagawa ng paraan."
Lumapit si Pearl nang husto sa pinto at tinignan kung paano ang dapat niyang gawin sa kandadong iyon. Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa rin niya nagagawa ang tama. "Paano ba to gamitin?!" nagtatakang tanong niya.
Natawa na lang si Jane sa kamangmangan na pinaiiral ni Pearl tsaka niya ito nilapitan. "Ikutin mo lang 'to bawat isa hanggang sa matapat sa gitna ang numerong nais mong ilagay," aniya at lumayo muli para subaybayan ang kanilang kapaligiran upang matukoy kung ligtas pa rin ba sila.
Sinunod ni Pearl ang sinabi ni Jane. Inikot niya ang unang rolyo hanggang sa pinakahuli; nabuo ang code na 6, 34, 47 at 8. Umilaw nang napakaliwanag ang kandado at gumalaw nang pagkabilis. Naglaho ito pagkatapos magbigay ng silaw sa dalawang estudyante. Dahan dahang bumukas ang mataas na pinto na gumawa rin ng nakabibinging tunog, dahil gumagasgas ang bawat sulok nito sa pader at simento.
"Girl, paano mo nagawa 'yun? Mukhang hindi ka naman pala baguhan dito, baka nagkaroon ka lang ng diperensya sa utak?" pangloloko ni Jane sa kasama niya.
"Hindi ko alam... Pati kung saan ako nagmula ay hindi ko alam," pag-aamin nito sa kaniyang kalagayan. "Gumising na lang akong nasa malaki akong kwarto, na para bang pinanganak ako ng ganito na kalaki at hindi nakaranas na maging isang sanggol." Tinuro ni Pearl ang kaniyang ulo. "Hetong isipan ko na ito ay walang ibang laman kundi ang code na ginamit ko para buksan ang pinto na ito. Subalit, hindi ko rin alam kung paano o bakit ito lang ang tanging laman ng utak ko at walang iba; maski pamilya ko ay hindi ko kilala," paliwanag niya sa kanyang sitwasyon.
Ipinagsawalang bahala na lang ni Jane ang eksplanasyon ni Pearl at umabante na sila papasok doon.
"Yumuko ka!"
Isang maliit na batong mabilis ang pagkakahagis ay dirediretso lang sa direksyon kung saan ito hinagis ng isang babae. Bago pa man magawa ang kanyang sinigaw ay huli na ang lahat.
Pumaharap sa pwesto ni Jane si Pearl kaya imbis na siya ang matamaan ay hindi ganoon ang nangyari. Tila ba'y isang bala ang bumaon sa ulo ni Pearl nang iligtas niya ang kasama niya bago siya tuluyang nawalan ng lakas sa binti.
"Girl!"
"Ate!"
Sinalo ni Jane ang sumagip sa kanya at lumapit din iyong may dahilan kung bakit natumba si Pearl. "Ano ba naman kasi ginagawa mong babae ka!" bulyaw ni Jane.
Napaatras sa takot yung babae at halos mangiyak-ngiyak na siya. "P-P-Pasensya na po k-kayo..." Yumuko siya at pinagdikit ang palad. "Hindi ko naman po inaasahang may susulpot po bigla sa malaking entrance na iyan," dugtong pa nito.
Nagsimulang umagos ang dugo sa ulo ni Pearl kung saan tumama ang bato kaya't mas lalo lang nataranta si Jane dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin, sapagkat wala naman siyang tinataglay na kakaibang kapangyarihan. "Wala ka bang magagawa? Bihira pa naman ang kapangyarihan nito, tapos mamamatay lang agad agad?"
Tinignan nung babae ang kalagayan ni Pearl tsaka niya itinapat ang magkabilang palad niya sa uluhan nito. "In the power that comes along the wind, I request for thy assistance. Give me the will and strength to heal this pitiful lady in front of me." Biglang bumigat ang atmospera at umihip nang malakas ang hangin na pinaiikutan si Pearl, kasama rito ang mga paru-parong may iba't ibang kulay. Ilang sandali ang itinagal ng prosesong iyon bago naglaho at bumalik sa normal ang daloy ng hangin sa kapaligiran.
"Pasensya ka na uli, ate. Hindi ko talaga sinasadyang matamaan kita ng bato, sinasanay ko lang naman yung kapangyarihan kong makontrol ang hangin," paliwanag nung babae.
Unti-unting dumilat si Pearl at hinawakan niya ang kanyang noo. Nang maramdamang walang kahit na anong bato o dugo roon ay tinignan niya ang kanyang palad. “Nawala yung bato,” bulong nito sa kaniyang sarili dahil sa pagtataka kung nasaan na iyon napadpad.
Inalalayan ni Jane si Pearl na makatayo; hawak nito ang bewang at isang kamay ni Pearl. “Sino ka ba? Alam na namin ang kapangyarihan mo pero hindi mo ba nababanggit sa amin kung ano ang iyong pangalan,” usisa niya.
Umayos ng pagkakatayo yung nagpagaling kay Pearl at hinawakan ang laylayan ng kaniyang suot, marahan din siyang yumuko bago nagpakilala. “Ang ngalan ko ay Yuki. Katulad ng nalalaman ninyo ay may kapangyarihan akong magmanipula ng hangin, kahit pa hindi ito gaano kagandang abilidad ay sinusubukan kong gamitin lamang ito sa kabutihan,” aniya.
Lumipas ang ilang minuto ay naging abala na ang bawat isa sa kanilang mag ensayo ng kanilang mga taglay na lakas. “Anaese,” ani Jane at lumabas muli ang inventory niya tsaka niya pinindot ang espadang nasa pinaka unahan. Lumabas ito mula roon na para bang kinuha lang ito sa isang lamesa dahil diretso ang kaniyang pagkakakuha nito. Tinago na niya ang inventory niya at nagsimulang sanayin ang kaniyang sarili sa tamang paggamit ng hawak niyang espada.
Pinapanood lamang siya ni Pearl dahil wala naman siyang alam kung paano ang dapat niyang gawin para lumabas din ang kapangyarihan niyang apoy. “Parang hindi naman ako naniniwalang may kakayahan akong gumawa ng kahit anong liliyab,” saad niya pagkatapos nitong tignan ang iba pang mga estudyanteng nagagawang maglabas ng kanilang kapangyarihan.
“‘Wag ka naman agad panghinaan ng loob girl. Malay mo balang araw ay ikaw na ang makakatapat ng prinsipe rito sa Muujan,” ani Jane para hindi mawalan ng pag-asa ang kasama niya dahil dito nga siya umaasa ng proteksyon.
“Prinsipe?!” Tumaas ang tono ng boses ni Pearl. “May prinsipe rito?” pahabol na tanong pa nito.
“Oo. Balita kasi rito eh may anak na iyong hari at reyna, pero hindi lang nila pinapaalam pa sa publiko,” sagot ni Jane kasabay ng pagtutusok-tusok niya sa hangin na tila ba’y mayroon siyang kinakaharap na kalaban. “Siya nga pala, wala ka pa rin ba naiisip na gusto mong ipangalan sa sarili mo? Nahihirapan na ako katatawag sa ‘yo ng girl,” tanong niya at huminto na muna saglit sa pag-eensayo.
"Sa kapangyarihang taglay ko at matututunan kong gamitin kalaunan... sa tingin ko ay maganda kung doon ko ibabase ang pangalan ko," wika ni Pearl at nagmistulang nag-iisip na nang malalim.
Pumitik bigla si Jane at nagliwanag ang kanyang mga mata. "Ruby! Simula ngayon, 'yun na ang itatawag ko sa 'yo," pagdedeklara niya na ikinatuwa rin naman nung kasama niya.
Napag-isipan ito ni Jane dahil sa kulay ng apoy at ng hiyas na rubi.
"Okay, pwede na rin. Paano ko ba talaga mapapalabas yung apoy?" naguguluhang tanong ni Ruby habang nagkukunwaring bumabaril.
"Nasubukan mo na bang isipin na magkaroon ng apoy sa kamay mo? Kung hindi pa ay gawin mo na. Wala namang masamang mangyayari kung susubok ka," sambit ni Jane tsaka siya muling nagsimula tumusok sa hangin at magsisisipa rito.
Pumikit nang mariin si Ruby kasabay ng mabagal na paghinga niya ng malalim. Sa una ay purong kadiliman lang ang kanyang nakikita kaya didilat na sana siya ngunit, naghintay pa siya ng ilang sandali at hindi naman siya nabigo. Nagawa niyang mag-isip ng imahe ng apoy na nasa kamay niya. Nagliliyab ito at tila ba'y hinahangin nang malakas dahil pagewang-gewang ito na bumuo rin ng maitim na usok. Subalit sa pagmulat ni Ruby ay nadismaya siya.
"Wala naman eh," malungkot na sambit ni Ruby nang walang nangyari sa kabila ng pag-iisip niya na itinuro ni Jane. "Hindi yata ako nararapat na maparito. Talagang naligaw lang ako o 'di kaya ay nananaginip pa rin ako." Binaba niya ang kanyang kamay at umabante papalapit kay Jane. "Sandali..." nanlaki ang kanyang mga mata nang may mapagtanto. "Nasa mundo pa ba ako ng mga tao?" bulong niya sa sarili.
"Tao? Ano 'yun?" usisa ni Jane na ikinagulat naman ni Ruby.
Hinawakan ni Ruby ang mga balikat ni Jane. "Tao! Ako, ikaw, sila! Tao ang tawag sa atin, hindi ba?" natutulirong tugon niya at halos magkadikit na ang kanilang mga mukha.
"R-Ruby." Inilayo siya ni Jane dahil nahihirapan siya sa ganoong sitwasyon nila. "Alam kong bago ka lang dito pero, imposible namang pati ang pagkakakilanlan sa mga mamamayan ng Muujan ay hindi mo alam?" Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa bago nagpatuloy si Jane sa pagsasalita. "Mirage. Iyon ang tawag sa lahat ng narito sa Muujan. Ngayon ko lang narinig iyang tao na tinutukoy mo, saan ka ba talaga nanggaling? Sino ang mga magulang mo? May nagbigay ba sa 'yo ng daan papunta rito?" Sunod-sunod na tanong ni Jane dahil hindi rin niya maintindihan kung bakit bigla na lang din napadpad si Ruby sa kanilang bansa.
"Sorry pero wala rin ako masasagot sa mga tanong mo. Maski ako, hindi ko alam ang tamang kasagutan sa mga 'yan." Mas lalong pinanghinaan ng loob si Ruby nang maramdaman niya, na parang hindi siya karapat dapat na maging kabilang sa mga tinatawag na Mirage.
Ngumiti si Jane na siya namang pinagtaka ni Ruby. Inakbayan siya nito at nag-umpisang maglakad pabalik mula sa kanilang pinanggalingan. "Hayaan mo muna! Isa isa nating kuhanin ang sagot sa mga tinanong ko sa 'yo kanina. Let's go!" Halata naman ang pagkasabik ni Jane sa kanyang boses kaya't hindi na niya kinailangan pang magtatatalon sa gitna.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa school! 'Wag mo sabihing pati school eh hindi mo alam?" mapagbirong ani Jane.
Natawa naman si Ruby. "Hahaha, nagtanong lang naman. Lahat ba ng nag-aaral dun ay may magic din or something?"
Makalipas ang ilang saglit ay bumungad sa kanila ang mataas na gusaling pinaliligiran ng kakaibang disenyo. Hindi ito pangkaraniwan. Wala itong gate patungo sa loob dahil may nakalaan na para roon. Isang hilera ng kahon na maaaring tapakan ng kahit na sino at dadalhin ka na nito sa iyong paroroonan tsaka, wala nang kinakailangang pindutin o sabihin para mangyari iyon. Iba iba ang kulay nito, transparent din kaya makikita kung sino ang nasa loob.
"Gagi ang galing oh! Nawawala yung mga pumapasok. Tara!!!" Tumakbo bigla si Ruby kaya muntikan nang matapilok si Jane. "Ano pa hinihintay mo? Dali! Baka hindi na tayo makapasok dun oh!" Tinuro niya ang mga nakatayong kahon na kasingsukat ng mga estudyante.
Bumuntong hininga si Jane nang makita si Ruby umakto na parang isang bata na ngayon lang nakalaya sa kanyang bahay. Sumunod naman siya agad kay Ruby dahil baka may mangyaring masama sa unang araw ng klase ni Ruby.
Mistulang isang ignorante si Ruby nang tapak-tapakan niya ang ginagamit nila para sa pagteleport. Ilang beses niya itong inulit bago siya tuluyang pumasok doon at kusang sumara ang kahon.