Napatigil sa paglalakad si Rian kaya huminto rin si Lian at muntikan pa itong matapilok kundi lang naalalayan mabuti ni Rian. “Ikaw ba yung sinasabi sa amin nung lalaking misteryoso na puntahan namin pagkapasok namin dito?” agad na tanong ni Rian sa babae kahit pa hindi naman niya ito kilala. “Ikaw rin ba ang magbibigay sa amin ng kapangyarihan na hinahangad naming magkapatid?” dagdag na katanungan pa niya. Tumalikod sa kanila ang babae na puro berde lang ang kasuotan pati na ang kanyang kulay ng buhok at mata, maputi naman din ang kutis nito. “Oo at hindi. Ako nga yung sinasabi ng nakilala niyong lalaki at pwede niyo ako tawagin sa ngalan na Zein,” pagpapakilala niya sa kanyang sarili at nag-umpisa na maglakad kaya sumunod naman ang dalawa. “Pero, hindi ako yung direktang magbibigay sa i

