Hinawakan ni Rian ang kamay ng kanyang kapatid tsaka niya iyon pinisil, isang hudyat para gawin niya rin iyon sa dalawa. Pagkahawak ni Lian kay Ruby ay tsaka naman kumapit si Luis sa siko ni Ruby. “Higpitan niyo lang ang kapit niyo sa akin, masyado siyang malayo kaya maraming oras ang malalagas sa atin kung lalakarin lang natin iyon mula sa ating distansya,” wika ni Rian, tumango ang tatlo sa kanya. “Acceleration Boost!" bigkas niya kaya dali-dali nilang natunton ang kinatatayuan ng babaeng may posibilidad na tulungan sila, base sa sinabi ni Ruby. “Yuki!” Tawag agad ni Ruby sa babae sakto pagkarating nila roon. “Pwede ka ba namin mahingan ng saglit na oras para magtanong? Saglit lang talaga,” hinihingal na tanong nito. Lahat sila ay hinahabol ang kani-kanilang hininga dahil sa bilis ng la

