Hindi gaanong maunawaan ni Ymir ang dahilan kung bakit tila ba'y napakalakas ng galit ni Rian sa kanya ngayon. Maraming bagay ang hindi mabigyan pansin ni Ymir kaya mas lalo lang siyang naguguluhan sa mga sinasabi at inaakto ng babae. "Sa pagkakatanda ko Ate, wala akong dapat pagbayaran sa iyo dahil ngayon lang naman tayo nagkakilala. Matanong lang kita, Ate..." Humakbang palapit si Ymir na para bang nawala na ang lahat ng takot na nadarama niya kanina. "Alam mo ba... kung ano ang pangalan ko..?" mabagal na tanong ng batang lalaki kay Rian. Umigting ang panga ni Rian kasabay ng pagdikit ng kanyang mga palad na tinutok niya sa harapan. "Hindi importante kung alam ko ba o hindi ang ngalan mo, ang mahalaga lang ngayon..." pabitin na aniya. Umihip ang hangin sa direksyon ng mga kamay ni Rian,

