Chapter 68

1064 Words

Ang biglaang pagsulpot ni Ruby sa eksena ni Rian at Ymir ay nakapagpatigil sa kanilang paghinga ng ilang segundo. Nagawang pigilan ni Ruby ang malakas na pwersa ng hangin na maaari sanang tumama kay Ymir at bigyan siya ng panibago na namang sugat, na kung saan hindi natitiyak ang kaligtasan niya sapagkat may posibilidad din itong direkta tumama sa kanyang puso. "Rian?! Bakit mo sinusubukang patayin ang kalaban mo? Alam mo namang ipinagbabawal 'yun ni Quin, hindi ba?" agarang tanong ni Ruby pagkatapos niyang makatapak sa lupa. "Bakit... Paano ka nakapunta rito?! Sa pagkakaalam ko, nasa waiting area ka na dapat kung tapos mo na ang elimination!" Dumistansya si Rian sa bagong dating na babae sa palaruan na dapat ay sila lamang ang naroroon. Nakaramdam agad ng kakaiba si Ruby dahil sa tono

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD