Pagkasabi na pagkasabi pa lamang ni Lian na may nararamdaman na siyang papalapit ay tsaka naman nagsipagpasukan ang mga Mirage na kanina ay nagkukumpulan lamang sa labas ng pasilyo. Umugong na naman ang kaingayan at mas lalo pa itong nakaririndi dahil sarado na ang malaking gate ng hall na iyon. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin sa stage sila Qing at Quin. Sa unang pagkakataon ay nasilayan ni Ruby ang itsura ni Quin dahil noong nag-anunsyo si Qing patungkol sa elimination na gaganapin ngayon ay hindi nakadalo si Quin. Tinitigan niya ang reyna at napansin ang kanyang pagkabata kahit pa matanda na rin ito at kagaya ng hari ay hanggang sa gitnang likuran ang haba ng kanyang buhok ngunit naiiba ang kulay nito dahil sa reyna ay asul, samantala ang sa hari naman ay pilak. Napagmasdan niya

