bc

A Week with my Ex

book_age18+
24.0K
FOLLOW
250.7K
READ
one-night stand
arranged marriage
drama
bxg
first love
like
intro-logo
Blurb

Sina Agatha at Kean ay dating magkarelasyon noong sila ay highschool pa lamang. Muli silang nagkita sa kanilang reunion at dito nagsimula ang lahat.

A week with my ex. Anong mangyayari sa kanila pagkatapos ng dare nila. Maibabalik ba ang dati nilang pagmamahalan sa loob lamang ng isang linggo?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
AGATHA'S POV Pitong taon simula nang umalis ako ng probinsya namin para makipagsapalaran sa Manila. Nang magtapos ako ng kolehiyo ay agad akong lumuwas ng Manila para maghanap ng trabaho. Agad naman akong natanggap sa isang malaking kumpanya at nagtrabaho bilang isang Accounting Staff. Anim na taon din ang ginugol ko sa pagtatrabaho nang magpasya akong mag-resign at sundin kung ano talagang gusto ko. Sa ngayon ay isa na akong independent writer at nakapaggawa na rin ng limang libro. "Malapit na po tayo sa Balanacan port." Narinig kong sabi ng kapitan ng barko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Dahil sa kagustuhan kong mag-focus na lang sa aking pagsusulat ay napagpasyahan kong umuwi na sa Marinduque. Mas makakagawa ako ng maraming nobela dahil tahimik at maaliwalas sa isla, malayo sa polusyon at ingay ng Manila. Tumayo ako at dumungaw sa deck ng barko. Natatanaw ko na ang mumunting isla ng Marinduque. Sa tagal ko nang hindi umuuwi ay daig ko pa ang dayuhan sa sarili kong bayan. I check my phone and several messages came by. Walang signal sa laot kaya ngayon ko lang nareceive ang mga text ng mga kaibigan ko sa Manila at mga kamag-anak ko dito sa probinsya. Halos tatlong oras din ang biyahe ko sa barko. Pagkadaong ng barko ay unahan ang mga pasahero sa pagbaba. Hindi na ako nakipagsiksikan dahil madami akong gamit na dala. Nang humupa na ang mga pasahero ay saka lamang ako bumaba at nagderetso agad sa sundo ko. "Sa wakas, nandito na rin ang ate." Nakasimangot na sambit ng aking kapatid na si Nathan Reyes. Labing walong taon na siya at nag-iisang lalaki sa aming magkakapatid. "Kumusta anak?" Bati sa akin ng aking ina. "Nakakapagod pa rin po talaga sa barko ano." Pabiro ko namang sagot sa kaniya. Kinuha ng aking ama at ng kapatid ko ang mga gamit ko at inilagay sa likod ng sasakyan. Pagkatapos noon ay sabay sabay na kaming sumakay. "Ate, ang dami nang nagtatanong sa amin kung nakauwi ka na raw ba." Sabi ng kapatid kong si Nathalia. Siya ang sumunod sa akin at pitong taon ang agwat ko sa kaniya. Tatlo kaming magkakapatid, ako ang panganay, si Nathalia ang pangalawa at si Nathan naman ang bunso. "Hayaan mo lang silang magtanong nang magtanong." Sabi ko naman. "Agatha anak, tinatanong ka sa akin ni Micah, kung makakadalo ka raw ba sa reunion niyo." Si Micah Morales ang president nang section namin noong highschool. Siya rin ang punong abala sa reunion namin na gaganapin sa isang araw. Sa batch kasi namin, ang section lang namin ang solid ang samahan kaya nagkakaroon kami ng mga ganitong reunion. Sa pagkakaalala ko nga ay pangatlong reunion na ito. Hindi lang ako nakakadalo noong mga nakaraan dahil nga nasa Manila ako at busy sa trabaho ko noon. "Pailang reunion na ba iyon Ma?" "Pangatlo na anak kaya dapat dumalo ka na lalo na at nandito ka na sa atin." Si mama ang numero unong laging nag-uudyok sa akin na umattend sa mga reunion. Siya rin ang numero unong natuwa nang malaman niyang hindi na ako babalik ng Manila. "Naku ate, exciting ang reunion niyo." Tuwang tuwa na sabi ni Nathalia. Napailing na lang ako. Iisa lang naman ang dahilan nila kung bakit gusto nila akong dumalo sa reunion, dahil sa ex ko. "Matagal ka rin namang nawala kaya dapat talaga ay pumunta ka doon." Sabi naman ni papa habang nagmamaneho. Napangiti na lang ako. Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ang pamilya ko tungkol sa lovelife ko noon. Simula kasi nang maghiwalay kami ni Kean, ang first boyfriend ko, hindi na ako muling nagkaroon ng kasintahan. Masyado na kasi akong nafocus sa pag-aaral ko noong kolehiyo at pagtatrabaho sa Manila. Nawala na rin sa isip ko ang magkaroon ng kasintahan. Marami namang nagtangkang manligaw sa akin pero ewan ko ba, wala talaga sa isip ko ang magkaboyfriend. "Ihahatid ko kayo sa bahay at pagkatapos ay dederetso na ako sa resto." Sambit ni papa. Dahil sa pagtatrabaho ko ay nakapagpundar kami ng maliit na resto dito sa Marinduque. Mahilig kasi si papa sa pagluluto kaya iyon ang naisip naming inegosyo. Sa ngayon naman ay lumalago ang negosyo namin at malapit nang magbukas ng ibang branch sa ibang bayan dito sa isla. "Pa, sasama ako sa 'yo. Gusto kong makita ang resto." "Sigurado ka ba Agatha? Pagod ka sa biyahe." May pag-aalalang tanong sa akin ni mama. "Ayos lang po Ma." Nakangiti kong sabi sa kaniya. "Sige. Ihahatid lang natin sina mama mo at ang mga gamit mo." Sambit naman ni papa. Katulad ng sinabi ni papa ay inihatid namin sa bahay sina mama at pagkatapos ay nagderetso na kami sa resto. Pasado alas dose na rin ng tanghali kaya marami nang customer na kumakain. Inalok ako ni papa na kumain muna pero tumanggi ako dahil busog pa naman ako. Dahil sa sobrang busy ay tumulong na rin si papa sa kusina. Ako naman ay umupo sa gilid at pinagmasdan ang buong resto. Nakakatuwa lang isipin na nakikita ko ngayon ang pinaghirapan ko sa Manila. Lumalago na ang aming negosyo kaya naglakas loob na rin akong sundin kung ano talaga ang gusto ko, ang magsulat. Suportado naman ako ng pamilya ko sa gusto ko kaya malaya akong makakapagsulat. "Nakakapagtampo naman. Nakauwi ka na pala pero hindi ka man lang nagsasabi sa amin." Naputol ang aking pag-iisip nang bigla akong lapitan ng tatlong babae. Napangiti na lang ako nang makilala ko sila. "So ganiyan na lang Ms. Agatha Reyes?" Masungit na sabi sa akin ni Celine. Agad naman akong tumayo at niyakap ang tatlo kong kaibigan. Sila sina Celine, Nancy at Liza. Kaibigan ko sila simula noong highschool at kaming apat ang laging magkakasama noon. "Kailan ka pa dumating?" Tanong sa akin ni Liza. "Ngayon lang. Nagderetso lang ako dito para makita ang resto." Sagot ko naman. "Yayamanin na talaga itong kaibigan nating ito." Puna naman si Nancy. Niyaya ko silang maupo sa may dulo na may apat na upuan. "Teka, kumain na ba kayo?" "Oo naman girl. Doon nga kami nakaupo oh. Sa sobrang lalim kasi ng iniisip mo ay hindi mo na kami nakilala o napansin." Sagot naman ni Celine. Tiningnan ko ang table na itinuro ni Celine. Kasalukuyan itong nililinis ng tauhan namin. Nabanggit sa akin nina mama na madalas kumain ang tatlo kong kaibigan dito kaya hindi ko napigilan ang mapangiti. "Salamat guys sa pagsuporta sa munti naming negosyo." "Ano ka ba? Masarap ang mga pagkain na niluluto ni Tito kaya halos araw-araw kami rito." Sabi ni Nancy. "And one more thing, hindi lang isang munting negosyo ito. See? Ang laki na ng naipundar mo." Nakangiting sabi ni Celine. Muli kong pinagmasdan ang buong resto. Isa rin sa dahilan kung bakit ako umuwi ay para matutukan din ang resto. Balak ko kasing magkaroon ng mga branch sa anim na municipality ng Marinduque. Sa ngayon ay iyon ang goal ko. "By the way, since nandito ka na, sa palagay ko naman ay makakadalo ka na sa reunion natin." Sabi ni Liza. "Speaking of reunion, bukas na pala iyon. Minove nila para raw makapahinga ng linggo." Singit naman ni Nancy. "Bukas agad?" Gulat kong tanong sa kanila. "Oo at kailangan nandoon ka. Overnight naman iyon. 6pm sa resort ni Kean." At sa lahat ng pwedeng maging venue, bakit sa resort pa ng ex ko? "Ayos lang naman sa 'yo na magkita kayo ni Kean 'di ba?" May halong pang-aasar na tanong ni Celine. "Oo naman." Deretsong sagot ko. "Good then. So magkita kita na lang tayo bukas doon." Nakangiting sabi ni Liza. Tumayo na silang tatlo kaya tumayo rin ako. "Aalis na kayo?" "Yes, dahil may trabaho pa po kami. Sa resort na lang tayo magkita bukas, okay?" Sagot sa akin ni Liza. Sina Liza at Nancy ay nagtatrabaho sa munisipyo habang si Celine naman ay sa isang private office. Magkakatabi lang ang mga offices nila kaya sabay sila laging nagtatanghalian. Sinabayan ko na lang sila sa paglabas ng resto. Pagkaalis nila ay isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Iniisip ko pa lang ang reunion ay kinakabahan na ako. Ayoko sanang pumunta pero paniguradong magtatampo sa akin ang mga kaibigan ko kapag hindi ako nagpunta lalo na at nalaman nilang nakauwi na ako. Wala namang problema sa akin kung magkita kami ni Kean. Ang iniisip ko lang ay siguradong tutuksuin kami ng mga kaklase namin. Ayokong maging awkward bukas kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Isa pa, seven years na kaming hindi nagkikita ni Kean at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nagkita ulit kami. Nakamove on naman na ako at nakalimot na ako dahil matagal na rin naman 'yon. I'm sure wala na rin sa kaniya iyon. Mga pasaway lang talaga ang mga kaklase namin dahil sila ang hindi makamove-on sa amin. Napag-alaman ko kasi na kada reunion ay inaasar nila si Kean dahil hindi ako nakakaattend. At nakikita ko na kung gaano kalakas ang mga pang-aasar nila kapag nakita nila ako bukas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook