AGATHA'S POV Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Kean na mahimbing pang natutulog. Napangiti na lang ako. Magkatabi kaming natulog kagabi dito sa kubo at ipinangako niyang magbe-behave siya. And he did. Kahit alam kong naturn-on siya kagabi pero pinigilan niya ang sarili niya upang patunayan sa akin na malaki ang respeto niya sa akin. Dahan dahan akong bumangon at tahimik na lumabas ng kubo. Pinilit kong huwag na makalikha ng kahit na anong ingay upang hindi magising si Kean. Pagkalabas ko ng kubo ay naabutan ko si Bert na may dalang almusal para sa amin. "Good morning po Ma'am," nakangiti niyang bati sa akin. "Good morning Bert. 'Yan na ba ang almusal namin?" nakangiti ko namang tanong. "Opo Ma'am," sagot naman niya. "Sige Bert, ako na ang bahala di

