AGATHA'S POV Hanggang ngayon ay paulit ulit kong naririnig sa isipan ko ang mga sinabi ni Kean kanina. Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil biglang dumating ang caretaker at kinausap siya. Dumaan ang maghapon at hindi na ako naglakas loob na buksan pa ang usaping iyon. Hindi na rin naman niya binanggit ang tungkol sa lugar na ito. Pero patuloy naman akong binabagabag ng mga sinabi ni Kean at parang mababaliw na ako sa kakaisip. Sinabi ko sa sarili ko na go with the flow lang ako. Ngunit sa mga sinasabi at pinapakita sa akin ni Kean, unti unti na naman niyang nakukuha ang atensyon ko. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon habang pinapanood ang sunset. Tahimik lang siya habang kinukuhanan ng litrato ang papalubog na araw. Ako naman ay nakatitig lang doon dahil sobrang ganda ng kulay ng k

