AGATHA'S POV Dahil sa sobrang excited ko ay hindi na namin nagawang mag-almusal ni Kean kaya nagdala na lang siya ng mga baon namin. May dala rin siyang tent at iba pang mga gamit. Bago umalis ay syempre, nag-picture muna kami para may mai-send siya sa GC ng batch namin. Ang Ford Ranger din ang ginamit namin dahil marami siyang gamit na dinala. Daig pa namin ang mag-oovernight sa dami ng dala niya. Sabi niya ay hindi naman talaga hiking ang mangyayari dahil kayang dalhin ang sasakyan paakyat. May kaunting lalakarin lang para makarating sa pinaka-tuktok ng bundok. Ang maganda raw kasi doon ay pwedeng mag-camping at magtayo ng tent. Meron din namang maliit na kubo doon na pwedeng tulugan o pagtambayan kung sakaling hindi kaya ng tent ang lakas ng hangin. "Nga pala, nakausap mo na ba sina

