AGATHA'S POV Isang malakas na tunog ng cellphone ko ang nagpagising sa akin. Tiningnan ko ang orasan at alas sais pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang tatawag sa akin ng ganito kaaga? Dinampot ko ang cellphone ko sa bedside table ko at tiningnan ko kung sino ang maagang nang-iistorbo sa akin. "Celine, ang aga mong nambubulabog," bungad ko sa kaibigan ko nang sagutin ko ang tawag. "Good morning din Agatha. Well, mag-online ka, ngayon na." Ibinaba ni Celine ang tawag na ikinakunot ko ng noo. Agad naman akong nag-online. Kaya pala, naka group call na naman ang tatlo. Nag-join naman ako at lahat sila ay mga nakahiga pa, well maliban kay Liza na nasa labas na ng bahay niya upang makasagap ng malakas na signal. "Anong meron?" tanong ko sa kanila. "Hoy babae! Porke't busy kami ay hindi k

