AGATHA'S POV Matapos naming kumain ni Camille ay umuwi na siya sa kanila dahil baka hanapin na siya ng magulang niya. Ang paalam lang daw kasi niya sa mga ito ay magjo-jogging lang siya. Sinabi naman niya sa akin na babalik siya dito sa resto bukas. Napangiti na nga lang ako dahil magaan ang loob ko sa kaniya. Hindi pa gaanong busy ang resto dahil maaga pa kaya nagpasya akong gumawa muna ng mga paperworks ko. Gusto kong libangin ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kino-contact ni Kean. Hindi ko alam kung mag-aalala ba ako o magagalit dahil hindi man lang niya maalala na mag-update sa akin. Hindi pa rin siya sumasagot sa mga tawag ko at hindi pa rin siya nag-oonline. Gusto ko na nga siyang puntahan sa resort ngunit may kung ano sa akin na nagsasabing hindi muna dapat a

