AGATHA'S POV Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko ang phone ko sa may bedside table ko at hindi na tiningnan kung sino ang tumatawag. Basta ko na lang iyon sinagot at muling pumikit. "Yes?" walang ganang sambit ko. "Good morning din Agatha. Mag-online ka, ngayon na." Agad na naputol ang tawag kaya napatingin ako sa phone ko. Si Celine pala ang tumawag sa akin. Agad akong nag-online sa messenger ko and as usual, group call na naman kami ng mga kaibigan ko. "Kumusta ka Agatha?" bungad sa akin ni Celine nang maka-join ako sa video call nila. Tumingin ako sa orasan at alas sais pa lang pala ng umaga. Kaya may oras pa ang mga kaibigan ko ma bulabugin ako dahil maaga pa. "Ayos lang naman. Pasensya na kung hindi na ako nakapagsabi sa inyo kung bakit dalawang araw ak

