THIRD POV "What is the meaning of this Kean?" galit na galit na tanong ni Mr. Marasigan sa kaniyang nag-iisang anak. Napahawak naman sa batok niya si Kean. Kararating niya lang dahil inihatid niya si Agatha sa bahay nito. At hindi niya inaasahan na makikita niya sa resort niya ang kaniyang magulang. Walang pasabi ang mga ito na uuwi pala sila ng probinsya. Ang buong akala ni Kean sa isang buwan pa uuwi ang mga magulang niya. "Ma, Pa. Akala ko po ay next month pa ang uwi niyo," imbes ay sabi niya sa kaniyang mga magulang. "Oo dapat ay sa isang buwan pa. Pero nabalitaan namin ang tungkol sa inyo ni Agatha," dismayadong sabi ng kaniyang ina. "At iniwan mo ang resort ng dalawang araw para lamang sa babaeng iyon," galit na sambit naman ng kaniyang ama. "Agatha is not just a girl Pa," mati

