AGATHA'S POV Kinabukasan maaga kaming bumayahe pabalik sa resort dahil kailangan na si Kean sa resort niya at baka kailangan na rin ako sa resto. Gustuhin ko pa mang mag-stay ngunit kailangan na naming bumalik. Sabi naman ni Albert ay anytime ay pwede kaming bumalik sa isla basta kontakin ko lang siya. For sure naman ay babalik talaga kami ni Kean dito. "Bumili muna tayo ng cellphone Babe," sabi sa akin ni Kean nang makasakay kami sa sasakyan niya. "Oo nga pala. Okay sige," sabi ko naman. Sa sobrang pagkaaliw ko sa White Island ay nakalimutan kong nasira nga pala ang phone ko. Baka nag-aalala na rin sa akin sina Mama pati ang mga kaibigan ko. Buong stay din kasi namin sa isla ay hindi ko nakitang gumamit ng phone si Kean. Buong atensyon niya ay nasa akin lamang habang nandoon kami. Pa

