AGATHA'S POV Pagbalik namin sa White Island ay aligaga ang lahat ng staff ng resort. Madilim na ang paligid pero hindi sila magkandamayaw sa paglilinis. Nakakapagtaka naman dahil sa haba ng maghapon ay ngayon pa lang nila naisipan na maglinis. Naglalagay din sila ng lamesa at mga upuan sa may tabing dagat. "Anong meron?" Hindi ko na napigilan ang magtanong kay Kean. Tumingin naman siya sa akin at nagkibit balikat lamang. Kaming dalawa lang ang guest ng resort pero kung maghanda ang mga staff ay parang marami silang guest na darating. Imposible naman iyon dahil hindi na sila tumatanggap pa ng ibang guest habang nandito kami ni Kean. "Kean, wala ka naman sigurong pakulo o sorpresa, hindi ba?" tanong ko pa dahil mukhang walang balak na sagutin ni Kean ang una kong tanong. Pinisil ni Kean

