AGATHA'S POV Alas singko ng hapon ay bumalik na kami sa resort para kuhanin ang mga gamit ko. Hindi ko na sinabi kay Kean ang mga sinabi sa akin ni Mang Jose kanina kahit na hindi nito pinapatahimik ang isipan ko. Busy rin siya sa cellphone niya kaya hindi na rin kami masyadong nakapag-usap habang nakatambay sa farm niya kanina. Tahimik lang din siya buong biyahe kaya hindi na rin ako masyadong nagsalita. Pagkarating namin sa resort ay dumeretso agad ako sa kwarto ko dito upang ayusin ang mga gamit ko. Tapos na ang dare namin kaya marahil ay tapos na rin ang sweet na pakikitungo ni Kean sa akin. Nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit ko ay binuksan ko muna ang cellphone ko. As usual, ang dami na namang messages sa GC ng batch namin. Lahat sila ay nalulungkot dahil ang bilis natapos ng

