AGATHA'S POV Alas kwatro ng hapon ay nakarating na kami sa resort. And since, nasa akin na ang business proposal ni Kean, mas mabuti na rin na makausap ko na sina Papa tungkol dito. Busy na si Kean dahil may mga paperworks na siyang dapat tapusin kaya pinasama na lang niya ako sa isa sa mga staff niya. Pinagamit niya rin sa akin ang sasakyan niya. Marunong naman akong mag-drive ngunit ayaw akong hayaan ni Kean na mag-isa lalo na at aabutin ako ng gabi sa daan. Kaya nagkaroon ako ngayon ng instant driver. "Pasensya ka na Marco, naabala pa kita sa trabaho mo," sabi ko sa staff ni Kean nang magsimula na itong mag-drive. "Naku, wala pong problema iyon Ma'am. Masaya nga po kaming mga staff niya na nagbalik na kayo," nakangiti naman niyang sabi sa akin. "Ha?" naguguluhan kong tanong sa kani

