AGATHA'S POV Ilang oras din kaming nagkausap ni Kean sa may bonfire pero never niyang binanggit sa akin ang tungkol sa business proposal niya. Hindi ko alam kung bakit hindi pa niya ako tinatanong. Alam naman niya na kaya ako pumunta kina Papa kahapon ay para i-discuss ang business proposal na ibinigay niya sa akin kahapon. Alas tres na yata ng madaling araw kami natapos mag-usap. Wala pa akong masyadong tulog ngayon pero gising na agad ako. Curious din kasi ako sa special event ng resort ngayong araw. Alas siete pa lang ng umaga pero bihis na ako para lumabas ng kwarto ko. Sa palagay ko ay hindi ko rin makakasabay si Kean ngayon na mag-almusal pero sabi naman niya ay kikitain niya ako mamayang alas otso para mag-picture at isend sa GC ng batch namin. Lalabas na sana ako nang biglang m

