AGATHA'S POV "Nagugutom ka na ba?" malambing na tanong sa akin ni Kean. Nakahiga lamang ako sa bed niya habang siya naman ay nakaupo at deretsong nakatingin sa akin. "Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa resto. Simula nang umalis kayo ay hindi na ako lumabas pa," pag-amin ko sa kaniya. Nanatili lang ako dito sa kwarto niya upang mapag-isa. Hindi ko kasi kakayanin na makipagsabayan sa ka-busy-han dahil sa mga gumugulo sa isipan ko. Baka imbes na makatulong ako doon ay mag-cause pa ako ng delay ng mga orders. "Kayang kaya na nila iyon. Dito na lang muna tayo," nakangiti niyang sabi sa akin. Bahagya naman akong napangiti. Humiga siya sa tabi ko at isiniksik pa ang katawan niya sa katawan ko. Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung may karapatan pa ba ako kay Kean. Hin

