AGATHA'S POV Alas kwatro pa lang ng hapon ay nagpahatid na ako kay Kean sa main branch ng Reyes Cuisine. Kailangan ko rin kasing matingnan iyon dahil baka kailangan nina Papa ng tulong ko. Hindi na sumama sa akin si Kean sa resto dahil marami pa siyang dapat na tapusin sa opisina niya. Inihatid lang niya ako at agad na bumalik sa resort. Pagpasok ko sa resto ay kakaunti ang mga kumakain. Isa na dito ay si Albert. Nang makita niya ako ay agad niya akong kinawayan kaya lumapit ako sa kaniya. "Kumusta Albert?" nakangiti kong tanong sa kaniya. "Heto, naghihintay kung kailan mo ako mabibigyan ng oras," nakangiti naman niyang sagot sa akin. Napailing na lang ako. Alam na ni Albert na nagkabalikan kami ni Kean pero hindi naman daw ibig sabihin no'n ay lalayuan niya ako. Tanggap na raw niya

