AGATHA'S POV Alas singko pa lang ng umaga ay gising na kami nina Mama. Marami kasi kaming putahe na kailangang lutuin dahil ngayon ang food tasting. Sabi ni Kean sa akin kagabi ay mga alas nwebe raw siya pupunta ng resto kaya kailangang maaga kaming makapaghanda. Pumasok na rin ang mga staff namin kaya hindi na kami gano'n kataranta sa pagluluto. Hindi rin masyadong mapapagod si Papa dahil taga-timpla na lang siya ng mga putahe na lulutuin ng taga-luto sa resto. Ako naman ay nag-aayos ng buong resto. Balak ko na kasing baguhin ang disenyo nito at tutal naman ay maaga kaming nandito, sinamantala ko na rin na mag-ayos habang wala pang mga customer. Alas syete na ng umaga at halos nangangalahati na ako sa pagdidisenyo ng resto. Maya maya ay paniguradong magsisidatingan na ang mga customer

