AGATHA'S POV "Mukhang kasundong kasundo ni Kean ang pamilya mo." Bigla akong napatingin sa tatlong babae na nakatayo sa harapan ko ngayon. "Celine, Liza, Nancy, anong ginagawa niyo dito?" gulat kong tanong sa tatlo kong kaibigan. Ang alam ko ay wala silang mga trabaho ngayon dahil kinansela rin ito dahil sa dumaang bagyo kagabi. At hindi ko ine-expect na makikita ko sila ngayon dito. "Matapos mo kaming i-ghost ng ilang araw, iyan ang sasabihin mo sa amin?" iiling iling na sabi sa akin ni Nancy. "True, aba girl. Wala kang paramdam huh," sabi naman ni Liza na nakalagay pa ang dalawang kamay sa baywang niya. "Tapos ganito ang maaabutan namin? Super close ni Kean sa pamilya mo," komento naman ni Celine na pasulyap-sulyap sa pamilya ko na masayang nakikipag-kwentuhan pa rin kay Kean. "Wr

