AGATHA'S POV Napamulat ako ng mata nang marinig ang mahinang kaluskos sa kwarto. Nakita ko si Kean na pumasok sa CR. Babangon sana ako ngunit naramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Muli akong napapikit at pilit inalala ang mga nangyari kagabi. Wala akong ibang maalala bukod sa panay ang tagay ko ng alak na iniinom namin ni Kean. Mukhang nalasing na naman ako at wala na naman akong maalala. Wala naman siguro akong ginawang kalokohan? Pagkalabas ni Kean ng CR ay bumangon ako. Hindi naman ganoon kalala ang hang-over ko, masakit lang talaga ang ulo ko. "Did I messed up?" nahihiyang tanong ko kay Kean. Tumingin naman siya sa akin at bahagyang ngumiti. "Mukhang wala ka na naman maalala. Just take some rest, lalabas lang ako," sagot naman niya sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya. "

