AGATHA'S POV Pagkatapos ng pagtatapat ni Kean ay niyaya na niya akong kumain. Dito pa rin iyon sa Function Room kaya napapalibutan pa rin kami ng mga sunflower habang kumakain. Tahimik lang kaming kumakain nang biglang magring ang cellphone ko. Nakapatong ito sa table kaya nakita ni Kean kung sino ang tumatawag. "Don't you dare to answer that," matigas niyang sabi sa akin. Bahagya naman akong napangiti. The typical selosong Kean. "Bakit ba tumatawag si Albert sa 'yo?" tanong pa niya sa akin. "Nagsabi siya sa akin kahapon. Gusto niya akong ligawan," pag-amin ko naman sa kaniya. "I knew it. Noong highschool pa lang ay may balak na siyang ligawan ka," sabi naman niya. Ibinaba ko ang kutsara't tinidor ko at saka tumingin ng deretso kay Kean. "Kaya pala selos na selos ka sa kaniya noon?"

