AGATHA'S POV Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya agad kaming tumakbo papunta sa bahay ni Kean. Ngunit dahil sa lakas ng ulan ay halos nabasa na rin kaming dalawa. "You need to change Babe," seryosong sabi sa akin ni Kean. Hinila niya ako papunta sa kwarto niya at agad niyang binuksan ang cabinet niya. Naghalungkat siya ng damit doon hanggang sa inilabas niya ang white T-shirt na may naka-print din na "M.A.R.M". Katulad din ito nang T-shirt na ibinigay niya sa akin. "Here, wear this." Kinuha ko sa kaniya ang damit at pinagmasdan ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong ibig sabihin ng initials na ito. "It's Mrs. Agatha Reyes Marasigan," biglang sabi niya. "A-ano?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. "The initials," maikli niyang sagot sa akin. Bigla akong namula

