AGATHA'S POV Nagising ako dahil sa mga mumunting halik na dumadampi sa labi ko. Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin si Kean na hahalik ulit sana. Napahinto lang siya dahil nga sa biglang pagtingin ko sa kaniya. Nginitian niya ako ng malawak at nagpahabol pa ng isang halik. "Tumila na ang ulan Babe," sabi pa niya sa akin. Tumingin naman ako sa labas ng bintana at maliwanag na nga sa labas. Ngunit sa halip na bumangon ay hinigit ko pa ang kumot ni Kean at itinakip sa hubad kong katawan. "Anong oras na?" tamad kong tanong sa kaniya. "Alas dose na ng tanghali. C'mon, we need to eat lunch," pag-aya niya sa akin. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nakakaramdam na nga ako ng gutom. Ngunit mas nangingibabaw sa akin ang katamarang bumangon. Para kasing ang bigat bigat ng katawan k

