THIRD POV "Puntahan mo ako dito please, Kean." Inis na ibinaba ni Kean ang kaniyang telepono. Kanina pa siya kinukulit ni Crista at pilit siyang pinapapunta sa kwarto ng dalaga. Hindi pa niya natatapos ang trabaho niya at hindi pa niya nagagawang tawagan si Agatha na mas lalong nakadagdag sa inis na nararamdaman niya. Kilala niya si Crista. Alam niyang hindi ito titigil hanggang hindi niya ito pinupuntahan. Padabog niyang kinuha ang cellphone niya at mabilis na lumabas ng bahay niya. Isang katok pa lang ang nagagawa niya ay agad nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Crista. Sinalubong siya ng dalaga na may malaking ngiti sa mga labi nito. Nakasuot lamang ito ng kulay pulang bestida at kita na rin ang cleavage nito. Ngunit kahit gaano pa ka-sexy ang dalagang nasa harapan niya ngayon ay w

