AGATHA'S POV Maaga akong nagising kinaumagahan dahil hindi rin naman ako masyadong nakatulog. Alas singko pa lang at madilim pa sa labas. Sumilip ako sa bintana ng kwarto kung saan tanaw na tanaw ang dagat. Malapit na palang mag-sunrise at sakto dahil kitang kita dito iyon. Agad akong nagbihis ng simpleng dress at mabilis na bumaba para panoorin ang sunrise sa tabi ng dagat. Madilim pa naman pero gusto ko nang bumaba. Presko kasi ang hangin kapag madaling araw lalo na sa tabi ng dagat. "Good morning Ma'am!" nakangiting bati sa akin ng isa sa mga staff sa reception. "Good morning!" bati ko rin naman. Sobrang friendly din talaga ng mga tauhan ni Kean kaya nakakagana ring bumalik balik dito sa resort. Lahat ng guest na makita nila ay binabati nila ng "good morning". Pagkarating ko sa may

