AGATHA'S POV Alas singko ng hapon ay bumalik na kami sa bahay dahil kukuha ako ng ilang gamit ko at magsasabi na rin kina Papa na mag-stay ako sa resort ni Kean. Hindi ko na nga pinababa sa sasakyan si Kean ngunit nagpumilit sina Mama na papasukin sa bahay si Kean. At ngayon ay naghahanda ako ng mga gamit ko ng mabilisan dahil baka ginigisa na si Kean sa baba. Kumpleto kasi sila ngayon sa baba dahil tapos na ang klase ng mga kapatid ko habang si Papa ay pahinga sa resto. May manager naman kami sa resto kaya ayos lang na iwan ni Papa iyon. Muli kong chineck isa-isa ang mga gamit ko at nang masigurado kong kumpleto na ay saka ako mabilis na bumaba. Naabutan ko pa sina Kean na nagtatawanan sa may salas. Kausap niya sina Mama at Papa at mukhang wala namang nangyaring masama habang nasa kwar

