AGATHA'S POV Katulad kahapon ay muli akong sinundo ni Kean sa bahay. Nagtataka na sina Mama pero hindi na sila nag-react pa na ipinagtaka ko naman. Pero nagpapasalamat na rin dahil hindi na nila dinumog ng tanong itong si Kean. Ang sasakyan niya rin ang gamit niya sa pagsundo sa akin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil kanina pa ako hindi nagsasalita, maski siya ay tahimik lang din na nagda-drive. Hanggang sa makarating kami sa resort niya. "Okay lang ba sa 'yo na dito muna tayo sa resort?" alanganin niyang tanong sa akin. "Oo naman," mabilis kong sagot sa kaniya. Ito naman kasi ang original na plano namin kaya hindi ako magrereklamo kung dito kami mag-stay maghapon. Hindi na lang siguro ako papayag na dalhin nila ulit ako sa isang kwarto nila dito. Mahirap na. Pagpasok namin

