AGATHA'S POV Natapos ang first day namin ni Kean na hindi na niya binanggit pa ang nangyari kanina. Hindi rin siya masyadong dumidikit sa akin kanina at pinapanatili niya ang distansya sa akin na ipinagpasalamat ko naman. Sa ngayon ay nagda-drive na siya para ihatid ako sa bahay. Ang sasakyan na rin ang gamit niya ngayon at hindi na ang motor niya. Nakatanaw lang ako sa labas ng sasakyan at tinitingnan ang bawat puno na nadadaanan namin. "About Crista, kapag kinulit ka pa rin niya, i-block mo na lang siya," pagbasag niya sa katahimikan. Tumango na lang ako bilang sagot sa sinabi niya. Iyon naman talaga ang gagawin ko mamaya pagdating sa bahay. Nakailang tawag na kasi siya sa messenger ko bago ako inihatid ni Kean pauwi. Ayoko namang makipag-usap kay Crista dahil ayokong makialam sa kun

