Kahit malakas ang kabog ng dibdib ko ay lumabas pa rin ako para tingnan ang bisita na sinasabi ni manang sa akin. “Jon?" Kunot ang noo na tanong ko ng makita ko si Jonathan na nakaupo sa sofa sa sala. Pero ganun pa man ay nakahinga ako ng maluwag dahil siya ang bisita na sinasabi ni manang at hindi ang kapatid niya. “Hi!" Nakangiti niyang bati sa akin. “What are you doing here?" Tanong ko at lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi. “Bakit bawal na ba bisitahin ang kaibigan ko huh?" Aniya na kunwari ay nagtatampo. “Of course not, anytime ay pwede kang pumunta dito. Nagtataka lang ako dahil hindi ka man lang tumawag o nag text sa akin na pupunta ka dito. Halika ma upo ka muna. Kumain ka na ba? Sabayan mo na kami ni Kyrie sa almusal total ay nandito ka na rin naman.” Aya ko sa kanya

