Nang umalis si Jonathan para sunduin si Christy at dalhin dito sa bahay ay agad na akong mag luto ng mga paborito nitong pagkain at naghanda na rin ako mga dapat kong sasabihin sa kanya. Sa totoo lang ang lakas ng t***k ng puso ko at kaba ng dibdib ko at baka hindi ako mapatawad ni Christy dahil sa pag iwan ko sa kanya. “Mommy, ano po ang lulutuin mo?” Tanong sa akin ni Kyrie habang nag huhulma ng para sa cookies na paboritong kainin ni Christy. Nag luto din ako ng sinigang na hipon dahil isa ito sa gusto niya. Sa totoo lang pareho sila ng daddy niya na paboritong pagkain kaya ang lahat ng mga pagkain na niluto ko ay paborito din ni Justin. Ipinilig ko ang ulo ng natigilan ako at sumagi sa isip ko si Justin at bumaling ulit sa anak ko. “Niluto ko ang mga gusto ng ate mo. Sana magustuhan

