Third Person's Kinuha ng di-kilalang lalaki ang telepono nito at pabalang na sinagot ang istorbong tumawag sa kaniya. Naka-kunot ang noo nito marahil dahil sa inis na nararamdaman. Napangisi ang lalake matapos marinig ang sinabi ng nass kabilang linya. Pinatay niya ang tawag at tumayo, tsaka dali daling lumakad patungo sa isang spesyal na silid. Mistulan itong hari sa dami ng security personnel na nakapaligid sa kaniya sa tuwing siya daraan, ang mga ito ay tinatawag na agents. Huminto ito sa katapat na bakal na pinto at muling napangisi. Nilagay nito ang kaniyang daliri sa scanner hanggang sa maramdaman nito ang pagtusok ng karayom sa kaniya. “Blood type match. Please proceed to the level two.” - wika ng isang boses babae na nagmumula sa computer. Sunod ay may lumabas na mahabang e

