North Korea. Third Person's "May problema tayo, malaki." Paunang bungad pagkapasok pa lamang ng lalaking nagngangalang Prime sa kwarto ng dalawang taong buong akala niya ay gising na. Napahilot ito sa sentido dahil sa inis. Iniisip yata ng dalawang ito na walang nangyaring masama sa alpha nila. Agad na binunot nito ang dalawang baril niya mula sa bewang at dali daling tinutok sa unan ng dalawang natutulog. Walang pasabi niya itong pinutok na siyang nagiwan ng napaka lakas na tunog. Kaagad napabalikwas ang dalawa at namumutlang napatingin sa direkson ng pinagmulan ng bala. "Damn!" "Wwhat was that for?!" Halos hindi makahingang usal ng dalawa. Dagdag pa na si Prime ang nasa harapan nila kung kayat hindi agad naka palag ang dalawa. Lingid sa kanilang kaalaman na ang taong ito ay t

