Alexxa Aragon “b***h! Simula ng dumating ka rito, nagkanda-letse letse na lahat!!” Muli na namang lumipad ang mukha ko pakaliwa. Heto na ang ikatlong sampal na natanggap ko mula kay Hailey. Umagang umaga at heto ang bumungad sa akin. Hindi ko malaman kung bakit siya nagkakaganito, wala naman akong natatandaang may ginawa ako sa kaniya. Pero, aaminin kong masakit talaga ang pagkakasampal niya sa akin. Mukhang sanay sa pakikipag basag ulo ang babaeng ito. “Pwede bang sabihin mo sakin kung bakit ka nagkakaganiyan?” - mahinahon kong tanong dito. Kahit medyo naiinis na ako, ayoko parin magpakita ng galit sa mga taong nanunuod ngayon. Ayoko lang! Nakita kong ngumisi ito at matapang na tumingin sa akin. “Of course you will never know dahil wala ka namang pake. You don't deserve to know w

