Alexxa Aragon Bigla akong napamulat dahil sa mataas na sinag nang araw na tumatama sa maganda kong mukha. Nilibot ko ang paningin ko at tumambad sa akin ang puting kisame at puti ring pader. Okay! It's sucks. Kung iniisip niyong itatanong ko sa sarili ko na ‘Nasaan ako’ o ‘anong ginagawa ko rito’; puwes nagkakamali kayo. Hah! Isa lang naman ang naglalarong tanong sa isipan ko ngayon magmula nang magmulat ang mga mata ko. Kumain naba ako? Napangiwi ako matapos maramdaman ang pagkalam nang sikmura ko. Wengya! Nagugutom ako. Tss! Kahit napapagod, pinilit kong bumangon at tumayo sa kama. Hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan ko pero wala naman akong masamang kutob dito. Pakiramdam ko ay komportable pa nga ako. Pansin kong simple lang ang motif ng kwartong ito, at halos wala ring gam

