Papalubog na ang araw nang maisipan nina Odessa, Demetria at Randy ang magpahinga na muna. Wala pa ringsuot na kasuotan si Randy maliban na lamang sa inilalang tuyong dahon ng pandan na pinaghirapang gawin ni Demetria para pantakip sa kahubaran ng lalake. Malamig ang kagubatan sa mga sandaling iyon kaya kaagad na nagsiga ng kahoy si Odessa para kay Randy na nangangatog na ang baba. Umalis muna si Demetria para ipangkuha ng makakain si Randy. Natuwa naman si Odessa na katulad niya si Demetria na hindi pumapatay ng tao para uminom ng sariwang dugo. Pero paanong nangyari na hindi umiinom ng sariwang dugo si Demetria gayong isa siyang Sangre? Ang katanungang nasa isipan ni Odessa ng mga oras na iyon. Ito ang kailangang niyang alamin pagbalik ni Demetria galling sa pangangaso. "Okay ka lan

