Sa kadiliman ng gabi ay di alintana nina PO1 Perez at Queenie ang kasalukuyang nangyayari sa kanilang paligid. Naroroon sila sa may halamanan at kanilang ninanamnam ang kaligayahang dulot ng mga nakaw na sandali. Binata at wala pang responsibilidad sa ibang babae ang pulis, samantalang kalian lang nabyuda ang kasama nitong babae. Ilang oras pa lamang silang nagkakilala ay nagkayayaan na samantalahin ang pagkakataong maangkin ang isa’t-isa. Nauna ng nagpaalam si Daisy sa kanila dahil na rin sa responsibilidad nito sa may-sakit na asawa. Dahil sa may hitsura at guwapong-guwapo sa sarili ang binatang pulis, ay ginawa niya itong puhunan para makuha ang gusto sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Puhunan ni PO1 Perez ang hitsura at matatamis na pananalita kaya madalas ay madali niyang na

