"Huwag mong patayin ang anak mo?" ang mariing sabi ni Morgana kay Claudius. Napanganga si Claudius sa sinabi ng dating matalik nakaibigan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa tinuran ng napakaganda pa ring si Morgana. "Anak?" biglang humalakhak ng napakalakas si Claudius. "...anak? Sinong anak? Sila?" Sabay turo sa mga anak ng buwan. "Sila ang aking mga anak!" Napatigil siya at naglakad papalapit kay Morgana at pinaikutan niya ang dating kaibigan. "Ano'ng hangin ang nagdala sa'yo rito at hindi ko inaasahang buhay pa pala ang aking matalik na kaibigan na hindi nagpakita ng ilang daang taon?" "Claudius, hindi ako naparito para sariwain pa ang nakaraan at ang matagal ng nangyari. Naparito ako para ipakiusap na huwag mong patayin ang iyong anak." pakiusap

