Hawak-hawak ni Odessa ang maliit na bote na ibinigay sa kanya ni Demetria. Laman iyon ng iilang hibla ng kanyang alala. Marahan ay tinititigan niya ang mga ito at kinukumbinsi ang kanyang sarili na ibalik na ang mga ito sa kanyang isipan para maalala na niya ang tungkol sa kanyang pagkatao at nakaraan. Ikinuyom niya ang bote at saka pinaikot-ikot ito sa kanyang palad. Bumuntong hininga siya at tila nag-iipon ng tamang lakas ng loob para harapin kung ano ang kanyang nakaraan. Halos mapalundag si Odessa sa kanyang kinatatayuan nang maramdaman ang mainit na kamay ni Randy sa kanyang balikat. Gumapang iyon sa kanyang braso at hinawakan nito ang kanyang kamay. Inilapit ni Randy ang kanyang mga labi sa kanyang kamay at marahang hinalikan iyon. "Alam kong mahirap para sa'yo ang mga

