Naging palagay na ang loob ng mga tao sa mga kasama ni Odessa. Malayang nakipaglaro ang mga bata kina Alimog at Sagaway. Samantalang ang mga tinedyer naman ay kay Randy sila nakipagkuwentuhan. Pansamantala ay nakalimutan nila ang napakasalimuot na napagdaanan nila noong mga nakaraang mga araw sa kamay ng mga anak ng buwan. Hindi matatawaran ang mga malulutong nilang halakhak habang ang iba’y pansamantalang nakalimutan ang mga bangungot na nangyari sa mga nakalipas na mga buwan. Kausap nina Odessa at Demetria ang mga namumuno sa Santuaryo kasama sina Kapitan Ben, si Fr. Mexo at ang dalawang kasama niya, pati na rin si Caren. Marami silang napag-usapan tungkol sa mga paglusob ng mga anak ng buwan sa kanila. Nalaman din nila na ang paglusob ng mga kampon ng kadiliman ay nangyari rin

