Mula sa lagusan ay sinalubong si Anilaokan ng kanyang mga masugid na tagasunod. Nagbubunyi ang napakaraming mga engkanto sa pagbabalik ng kanilang pinakamamahal na pinuno. Sa kanyang likuran ay muling nabuo ang katawan ni Laurea at nagpalutang-lutang pa rin sa hangin na tila nasa ilalim ng tubig. "Gusto kong ihanda ang aking Reyna sa nalalapit niyang paggising! Bihisan at bigyan ng mga palamuti sa katawan at maghanda sa malaking piging mamayang gabi!" ang malakas na wika ni Anilaokan. Mula sa pintuan ng bulwagan ng palasyo ay sinalubong siya ng isang pamilyar na mukha ng isang babae. Nagliliwanag ang buong katawan nito at nakakahalinang kagandahan. Mahinhin ang kanyang bawat kilos at nangungusap ang kanyang mga mata. Mga matatamis na ngiti ang sinalubong nito kay Anilaokan.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


