Biglang sumambulat ang bahagi ng pader ng mansion at iniluwa nito ang may halos sampung talampakang taas na nilalang na may hila-hilang napakalaking tanikala. Namumutok ang mga kalamnan nito sa buong katawan na may mga bracelet na gawa sa bakal ang magkabilang bisig. Nahahawig ang nilalang sa isang kapre pero higit na malaki ang katawan nito at mas mabangis. Mabalahibo ang halos buong katawan ng nilalang at may nakakatakot na hitsura ang kanyang mukha. Mapupula ang mga mabibilog na mga mata at nakalabas ang matutulis na pangil sa kanilang napakalaking bibig. “Culeriot.” Ang bulong ni Odessa nang maamoy niya ang tila nabubulok na laman ng tao ang biglang umalingasaw sa paligid. Kasabay nito ang paglipana ng mga ganid sa dugo na mga insektong Buknit na nahahawaig sa mga garapata na

