Biglang nabalutan ng mga maiitim na ulap ang kanina'y napakalinis na kalangitan. Lumakas ang ihip ng hangin at biglang lumamig ang kanina'y mainit na panahon.Hindi pa rin natitinag ang mga wakwak, tiktik at manananggal sa himpapawid habang patuloy na nakikipaglaban si Alimog sa mga ito. Kasama niya sa himpapawid si Randy na nakikipaglaban din sa mga lumilipad na mga aswang. Gamit ang kalahating bahagi ng Eskrihala ay malaya siyang nakakapag-atake sa mga tiktik na maliliksing nagliliparan sa kanyang harapan. Gamit ang kapangyarihan ay inihulos ni Randy ang Eskrihala paitaas at lumabas mula rito ang napakalakas na boltahe ng kuryente na mabilis na umakyat sa mga nakakatakot at naglalakihang maiitim na ulap sa langit. Napatingala ang mga tiktik, mangkukutod at iba pang mga anak ng bu

