CHAPTER 52

2704 Words

    Lalong dumoble ang laki ng Minokawa. Tila hinihigop lang nito ang pinakakawalang kapangyarihan ng Eskrihala sa kanya. Sa sobrang laki ay tila imposible na nilang mapapatay pa ang halimaw dahil na rin sa bagsik nito at tibay.  Parang imposible na rin  nilang makuha pa ang pulang likido mula sa nektar ng Myrho na nasa tuktok ng ulo nito. Halos kasing-lawak na ng lawa ng Pinatubo ang pakpak ng Minokawa. Hindi na nakapagtataka kung bakit labis na kinatatakutan ito kahit na mga mandirigmang celestial ng Sanlibutan.     Ngayon ay nasa harap nina Odssa ang nilalang na kinatatakutan ng lahat. Ang halimaw na kayang lunukin hindi lamang ang buwan, pati na rin ang araw na nasa kalangitan. Wala pa ang mundo ay gumagala na sa kalawakan ang mga Minokawa. Sing-tanda na raw sila ng panahon at ng kala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD